Genesis Lesson 25
MGA MATAGUMPAY NA TAONG NAHIWALAY SA DIYOS
( Gen.19:1-14 )
Iniisip ng mga tao na kung sila ay magsikap na magtrabaho at mag-aral, sila ay mas magiging masaya. Akala nila magiging mas masaya sila kung mayroon silang kayamanan at kasikatan. Kung kaya, para sa kaligayahan, sila ay tumatakbo ng walang hinto at namumuhay na labis na naghihirap. Ang mga tao ba ay masaya kung sila ay maraming kinitang pera o may mabuting asawa? Hindi sa ganoon, hindi ang pera ang kondisyon para maging masaya. Binigyan tayo ng Diyos ng pusong sinasamo ang walang hanggan. Kung kaya maraming mga tao ang nakakaranas na may kulang sa kanila na kailangang mapuno ng isang bagay. Sinabi ni Pascal, “Ang bawat tao ay mayroong puwang sa kanilang puso na tanging ang Diyos ang makakapagpuno..” Kung punuin ito ng kadiliman ng mga ilitista sa mundo, mas lalong nagiging malabo ang mundo dahil sa kanila.
Ang tagumpay na wala ang Diyos ay magiging kayabangan. Nang wala ang Diyos ang kultura ay umuunlad at ang mga mataas na sibilisadong tao ay susunod sa pisikal na kalayawan. Bilang resulta ng kahirapang iyan, ang kabiguan at karamdaman ay dumating sa buhay ng tao. Ang mga bansa katulad ng Roma, Babilonia, Ehipto, Asiria, Tiro, at Sidon na iniwan ang Diyos, lahat sila ay nalipol. Ang mga bayaning iniwan ang Diyos sa huli ay nabigo. Gayunman, kung ang sinoman ay makatagpo ang Diyos ang lahat ng kanilang mga problema ay nalutas at kung patuloy nilang hahanapin ang Diyos ang mga himala ay magaganap sa kanilang buhay.
1. Binisita ng mga anghel ang Sodom.
1) Binisita ng mga anghel si Abraham (18:2)
2) Binisita ng mga anghel si Lot (19:1)
3) Ang pagkilos at layunin ng mga anghel.
(1) 2 M, Hari 19:14-15 (2) Heb.1:14
(3) Pah.8:3-5 (4) Aw.103:20-22
(5) Dan.3:8-24, 6:22 (6) Mat.18:10
(7) Gawa 12:1-10, 23
4) Ang layunin ng mga anghel na bumisita sa Sodom.
2. Larawan ng isang malakas at dakilang bansa at sibilisasyong wala ang Diyos.
1) Gen.19:4
2) Gen.19:5
3) Gen.19:8-9
3. Ang kapangyarihan ng Diyos ay nahayag.
1) Gen.19:10
2) Gen.19:11
3) Gen.19:12-13
4. Ang panahon kung kailan iniisip na nagbibiro ang salita ng Diyos. (Gen.19:14)
1) Ang panahon ng salita ng Diyos.
2) Ang panahon kung kailan iniwan ang salita ng Diyos.
3) Ang panahon kung kailan may kalituhan sa salita ng Diyos.
5. Ang panahon ng Kaligtasan at pagkawala ni Kristo
Sa mga huling araw na ito, dapat na alam natin ang misyon na ibinigay saatin na namumuhay na may paghawak sa Mabuting balita, ituon ang atin pansin sa Panginoon, at mamuhay na may pag-ibig saating mga kapwa.