Genesis Lesson 47
SA ANAK NA PUPUNTA SA LUGAR NG BUHAY
(Gen.28:1-9)
Bagamat may dahilan at layunin kung bakit ginawa ng Diyos na hindi pwedeng magsama si Esau at Jacob. Ang conflict ay
isang bagong hakbang tungo sa plano ng Dios. Ang Diyos ay naghanda ng bagong mundo at mga mahahalagang bagay para
kay Jacob na tumakas mula sa galit ng kanyang kapatid. Nang panahong iyon may mahalagang bagay na sinabi ang magulang
ni Jacob sa kanya.
1. Tinawag ni Isaac si Jacob at binasbasan siya.
1) Gen.9:21-29 Ang kapangyarihan ng magulang na magbasbas.(Noe)
2) Dt.21:5 Ang kapangyarihan na magbasbas ng mga saserdote.
3) Gen.49:1-33 Ang pagpapala at propesiya ni Jacob.
4) Gen.27:1-29 Ang pagbasbas ni Isaac kay Jacob at Esau.
2. Sinabi ni kay Jacob ang lugar na kanyang pupuntahan.
1) Paddan Aram(Gen28:2)
2) Sa lugar ng Aram.
3) Itaas na bahagi ng Eufrates (Gen33:18, 46:15)
* Upang makita ni Jacob ng malawakan ang buong mundo.
Ang pagpapala na dapat maranasan ng mga anak ng Diyos.
3. Itinuring ni Isaac na ang pakikipagtagpo at pag-aasawa ay napakahalaga kung kaya binasbasan niya si Jacob.
1) Pag-iingat (Gen28:1)
2) Iniutos ang wastong pag-aasawa (Gen28:2)
* Ang pagtatagpo ang tumutukoy aa lahat ng bagay.
* Ang pag-aasawa naman ang tumutukoy sa maraming mga bagay.
4. Binasbasan ni Isaac si Jacob upang makilala niya ang makapangyarihang Diyos.
1) Diyos na makapangyarihan (Gen.28:3)
2) Pagpalain ka (Gen.28:3)
3) Magbunga at magpakarami (Gen.28:3)
5. Pag-aasawa ni Esau (Gen.28:6-9)