Genesis Lesson 72
PATULOY NA NADAYA ANG MGA KAPATID NI JOSE
(Genesis 44:1-13)
Ang Diyos ay gumagawa hanggang ngayon. (Heb.13:8) Hindi nalilimitahan ang kanyang kapangyarihan. (Awit 121:1-6)
Kinokontrol niya ang lahat ng bagay saatin. (Awit 139:1-9)
Ngayon ay may mga taong patuloy na tumatanggap ng kasagutan at may iba naming hindi kailanman nakatanggap ng sagot.
Ipinapaliwanag na mabuti ng aklat ng Genesis ang dahilan.
1. Hindi nakatanggap ng sagot mula sa Diyos ang mga kapatid ni Jose.
1) Dahil mga pisikal na bagay lamang ang kanilang alam. (Gen.37:18-20)
2) Dahil hindi nila alam ang espiritwal na pangarap. (Gen.37:1-11)
3) Dahil hindi nila kilala kung sino ang may-ari ng buhay at kung ano ang dignidad (Gen.37:18)
4) Materyal na pakinabang lamang ang kanilang alam kung kaya ipinagbili nila si Jose. (Gen.37:26-36)
5) Ang mga humanismo, kalkulasyon, pagkamakasarili ay hindi tatanggap ng dakilang sagot mula sa Diyos.
2. Subalit palaging tumanggap ng mga dakilang sagot si Jose.
1) Sa tuwing siya ay mag-isa, nananalangin siya at nakatanggap ng sagot. (Gen.37:1-11)
2) Nang siya ay isang alipin narasanan niya ang mga kasagutan at nagtagumapay. (Gen.39:1-6)
3) Nang siya ay nasa kulungan naranasan niya ang kapangyarihan ng Diyos. (Gen.40:1-20)
3. Patuloy na nadaya ang mga kapatid ni Jose at kanilang napagtanto ang kasagutan ng Diyos.
1) Kung hindi alam ng mga tao ang plano ng Diyos, dadalhin sila ng Diyos sa paghihirap.
2) Kapag hindi makita ng mga tao ang espiritwal na hinaharap maghihirap sila katulad ng mga kapatid ni Jose.
3) Kaya kung ang mga mananampalataya, mga mapagkakatiwalaang manggagawa, at mga pastor na may mga problema,
ay kailangang makita ang hinaharap at ang salita ng Diyos(Mt.28:16-20)
4. Bakit dinaya ni Jose ang kanyang mga kapatid?
1) Kung nakilala ng kanyang mga kapatid si Jose magugulat sila at maaaring magkaroon ng iba pang insidente.
2) Kung nagpakilala si Jose sa kanyang mga kapatid, tatakbo sila paalis at hindi babalik pa ulit.
3) Kaya nais ni Jose na ganapin ang kanyang tungkulin sa pagdaya sa kanyang mga kapatid. (Gen44:1-13)
4) Ang layunin ni Jose
(1) Upang makita si Benjamin.
(2) Upang makita ang kanyang ama.
(3) Upang iligtas ang pamilya ni Israel
5. Ang pagpapala ay dumating sa mga taong tunay na nananampalataya sa Diyos.
1) Tatanggap sila ng sagot sa anomang sitwasyon.
2) Mahahayag ang mga katibayan saan man sila pumunta.
3) Ang pagpapala upang iligtas ang bansa.
4) Ang Gawain ng Diyos ay naganap upang iligtas ang Ehipto at ang mundo.