Genesis Lesson 81
SI JOSE, ISANG MANANAMPALATAYA NA UMALIW
SA KANYANG MGA KAPATID
(Genesis 50:14-26)
Sa mga nasa Diyos, walang krisis, kawalang pag-asa, o kabiguan. Sa pamamagitsn nito, sila ay nakakaunawa, nakakatanggap ng
biyaya, nagsisisi at nakakatamasa ng higit na dakilang mga pagpapala. Ang mga di- mananampalataya ay nawawalan ng pag-asa
kapag duamrsting ang mga paghihirap. Hindi nila.mahanap ang paraan, kaya ang iba ay sumusuko o nagpapakamatay.
Sinusubukan nilanh lutasin ito sa pamamagitan ng positibong pag-iisip ngunit lalo lamang silang nahuhulog sa mga problema.
Gayunman, nauunawaan ng mga mananampalataya ang dalawang bagay sa pamamagitan ng mga kapighatian.
Ang higit na paglapit sa Diyos at paghanap sa higit na dakilang daan sa pamamagitan ng mga kapighatian.
1. Ang mga problemang nangyari kay Joseph ay pagkakataon para sa mas dakilang mga pagpapala.
1) Pagseselos.ng kanyang mga kapatid
(1) Natiyak ang kanyang panaginip (Genesis 37:1-11)
(2) Ginawa nitong higit na manalangin si Joseph.
(3) Dahil siya ay ipinagbili sa pamilihan, pumasok siya sa pinakamalaking entablado. (Genesis 37:26-36).
2) Buhay alipin
(1) Ang patotoo ng Diyos sa bahay ng opisyal (Genesis 39:1-6)
(2) Pagkakataon upang matutuhan ang ekonomiya. (Genesis 39:6)
3) Buhay sa kulungan
(1) Pagkakataon upang matutuhan ang politika. (Genesis 40:1-3)
(2) Inihahanda ang daan upang makatagpo ang Faraon.
(3) Pagkakataon upang maging gobernador.
2. Ang mga kapatid ni Joseph ay natakot pahkatapos ng paglibing kay Jacob.
1) Takot sa posibleng paghihiganti (Genesis 50:14-15)
2) Paghingi ng kapatawaran sa pagbanggit sa habilin ng kanilang ama. (Genesis 50:17)
3) Pagluhod sa harap ng kanilang kapatid (Gobernador) at paghingi ng tawad (Genesis 50:18)
3. Sagot ng pag-aliw ni Jose.
1) Nakasulat na nang marinig ni Jose ang sinabi ng kanyang mga kapatid, "siya ay umiyak." (Genesis 50:17)
2) Pag-aliw ni Joseph - “Huwag matakot; nasa lugar ba ako ng Diyos?” (Genesis 50:19)
3) Pananampalataya ni Joseph - “Upang magligtas ng buhay ng maraming tao "(Genesis 50:20)